Add parallel Print Page Options

Ang kaniyang mga pintuangbayan ay nangabaon sa lupa; kaniyang giniba at nasira ang kaniyang mga halang:
(A)Ang kaniyang hari at ang kaniyang mga prinsipe ay nangasa gitna ng mga bansa na (B)hindi kinaroroonan ng kautusan;
Oo, (C)ang kaniyang mga propeta ay hindi nangakakasumpong ng pangitaing mula sa Panginoon.
10 Ang mga matanda ng anak na babae ng Sion ay nangauupo sa lupa, (D)sila'y nagsisitahimik;
(E)Sila'y nangagsabog ng alabok sa kanilang mga ulo; sila'y nangagbigkis ng kayong magaspang:
Itinungo ng mga dalaga sa Jerusalem ang kanilang mga ulo sa lupa.
11 Pinangangalumata ng mga luha ang aking mga mata, namamanglaw ang aking puso,
Ako'y lubhang nahahapis, (F)dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan,
Dahil sa ang mga bata at ang mga pasusuhin ay nanganglulupaypay sa mga langsangan ng bayan.

Read full chapter